DOH, pinayuhan ang publiko na bumili lamang ng mga gamot sa mga rehistradong botika at iwasang bumili ng mga gamot online
Umapila ang Department of Health (DOH) sa publiko na bisitahin ang website ng Food and Drugs Adminsitration (FDA) upang makita ang ipinapaskil nilang mga pekeng gamot.
Kasunod ito ng report ng United Nations office on Drugs and Crime na ang Pilipinas ang itinuturing na hotspot for “knockoff drugs” o pinakamataas pagdating sa mga ibinebentang mga pekeng gamot sa buong Southeast Asia.
Kasabay nito, nakiusap rin ang DOH sa mga mamamayan na mag-ingat sa pagbili ng mga gamot sa merkado at maging sa online.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, bumili lamang sa mga lisensyadong botika upang makatiyak na hindi peke ang mabibiling gamot.
Iginiit ni Domingo na mahigpit na ipinagbabawal ng DOH ang pagbebenta ng mga gamot online.
Nakikipagtulungan na rin aniya sila sa Bureau of Customs at FDA upang hindi na makapasok pa sa bansa ang mga pekeng gamot.
Isa rin aniya sa dapat tingnan ng mga bibili ng gamot ay ang Certificate of Product registration na makikita sa bawat packaging ng gamot kung saan dito matitiyak na rehistrado ito ng FDA.
“Merong registration number ang gamot. Makikita yan sa bawat packaging ng gamot. Unang-una dapat tingnan kung clear lahat ang mga salita sa gamot, dapat ay Ingles dahil bawal sa atin ang ibang salita, nakalagay din dapat ang contents nya, manufacturing date, kung kelan sya mag e-expire at meron siyang registration number.