DOH sisimulan na ang monitoring ng firework related injuries kaugnay ng pagdiriwang ng holiday season
Sisimulan na ngayong araw ng Department of Health ang kanilang monitoring at reporting ng firework related injuries kaugnay ng nalalapit na pagdiriwang ng holiday season.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, ang kanilang fireworks-related injury surveillance ay mula December 21 hanggang January 6,2022.
Bahagi ito ng Iwas Paputok Campaign ng DOH.
Ang online daily reporting ay mula alas 6 ng umaga hanggang 5:59 ng umaga kinabukasan.
Patuloy na paalala naman ng DOH sa publiko, maaari namang magdiwang ng holiday season ng hindi gumagamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices.
Giit ni Vergeire, dapat isipin ng mga bawat isa ang gastos sa pagpapa-ospital kung tatamaan ng paputok at emosyonal na epekto nito sa mabibiktima.
Kabilang sa listahan ng mga bawal na paputok ay ang: Watusi; Piccolo;Poppop; Five Star; Pla-pla; Lolo Thunder; Giant Bawang; Giant Whistle Bomb; Atomic Bomb; Super Lolo; Atomic Triangle; Large-size Judas Belt; Goodbye Philippines; Goodbye Delima;Bin Laden; Hello Columbia; Mother Rocket; Goodbye Napoles; Coke-in-Can; Super Yolanda; Pillbox; Mother Rocket; Boga; at lahat ng overweight at oversized firecrackers at pyrotechnic devices.
Madz Moratillo