DOH tiniyak na handa ang mga ospital sa bansa na tumugon sa mga Non COVID na sakit gaya ng leptospirosis
Handa ang mga ospital sa bansa na tugunan ang iba pang sakit gaya ng leptospirosis na karaniwang tumataas ngayong panahon ng tag ulan.
Ito ang tiniyak ni Health Usec Ma. Rosario Vergeire sa kabila ng abala rin ang mga ospital sa pagtugon sa COVID-19 patients.
Paliwanag ni Vergeire, hindi naman buong ospital ay nakalaan lang sa COVID-19 patients.
Sa mga pribadong ospital aniya ay may 20% lamang ang nakalaan para sa COVID-19 patients habang sa mga pampublikong ospital ay 30% naman.
Dagdag pa ni Vergeire, nadedecongest narin ngayon ang mga ospital dahil naililipat na sa mga temporary treatment facilities ang ilang COVID-19 patients.
Dahil rito mas makakapag accommodate ang mga ospital ng may iba pang sakit na lalo na ang mga sakit na karaniwan ngayong rainy season.
Madz Moratillo