DOH tiniyak na iniimbestigahan na ang napaulat na hindi pagpapasweldo sa ilang nurse sa Sorsogon
Iniimbestigahan na ng Department of Health ang napaulat na hindi umano nakatatanggap ng sweldo ang ilang nurse na kanilang idinedeploy.
Tiniyak ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na may mga ginagawa na silang aksyon hinggil rito.
Una rito, sinabi ni Sorsogon Governor Chiz Escudero na sa 11 nurse na idineploy ng DOH sa kanilang ospital para sa COVID-19 response ay 2 lamang ang nakatanggap ng sweldo pero para sa 1 buwan lamang na pagtatrabaho.
Pero hindi ito sapat pagkat 5 buwan aniyang nagtrabaho ang mga nurse.
Ayon kay Vergeire, Tinawagan na nila ang regional director maging ang kanilang finance officers sa Sorsogon para malaman kung bakit nagkaroon ng ganitong mga isyu.
Tiniyak ni Vergeire na sisiguruhin nilang tatanggapin ng mga health care worker ang nararapat na sweldo at iba pang benepisyo lalo na at walang tigil ang mga ito sa pagtatrabaho sa gitna ng pandemya.
Madz Moratillo