DOH tiniyak na wala pang local case ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Bagamat may mga kaso na ng Delta variant ang nakapasok sa bansa, nilinaw ng Department of Health na wala pa namang naitatalang local case nito.
Ayon kay Dr. Althea de Guzman, direktor ng Epidemiology Bureau ng DOH, ang mga naitalang kaso ng Delta variant dito sa bansa ay pawang Returning Overseas Filipinos.
Ang Delta variant ay unang natukoy sa India at ngayon ay kalat na sa 85 bansa.Ayon sa World Health Organization, ang Delta variant ang pinakamabilis na Coronavirus strain.
Sa ngayon, ito umano ang nangungunang variant na nakita sa mga nasequence na sa sample sa United Kingdom, Portugal, Russia at Estados Unidos.
Sa kabuuan may 17 Delta variant case ang naitala sa bansa, pero 1 nalang ang aktibong kaso.
Madz Moratillo