DOH wala pang nakikitang pagsirit ng mga kaso ng COVID-19
Halos 2 linggo na mula ng magkaroon ng mga pagdiriwang kaugnay ng Holidays seasons pero ang Department of Health wala pang nakitang pagsirit ng mga kaso ng COVID- 19.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, nakitaan nila ng plateau ang mga kaso ng impeksyon sa bansa bagamat ngayong araw ay nakitaan nila ng 1 porsyentong pagtaas ng mga kaso.
Isa ang pagkakaroon ng covid surge sa pinangangambahan ng DOH pagkatapos ng holiday season dahil sa mga naganap na pagtitipon.
Nitong nakaraang linggo, ang average daily cases ng covid 19 sa bansa ay nasa 447.
Batay sa projection ng DOH, pagsapit ng Pebrero 15 maaaring umabot ng 730 ang arawang kaso ng virus infection sa bansa.
Bagamat tumaas, mababa parin ito kung ikukumpara sa mga dating projection ng DOH na umaabot sa libong kaso.
Madelyn Villar – Moratillo