DOH,ini-imbestigahan na ang insidente kung saan may nagpositibong pasahero ng PAL sa Hong Kong
Iniimbestigahan na ng Department of Health ang insidente kung saan may ilang pasahero na dumating sa Hong Kong mula sa Pilipinas sakay ng Philippine Airlines flight ang nagpositibo sa COVID-19.
Pero paliwanag ni Health Usec Ma. Rosario Vergeire, maraming aspeto rin ang dapat tingnan sa insidente.
Isa rito ay ang posibilidad na nang sumailalim sa COVID- 19 test ang pasahero ay hindi nakita na positibo na pala ito sa virus.
Paalala ng opisyal, ang COVID-19 ay mayroong incubation period.
Kaya aniya ang pinaka accurate na Covid test ay sa ika-5 o ika-7 araw kung ikaw ay exposed halimbawa.
Pero siniguro ni Vergeire na iniimbistigahan nila ito upang masigurong hindi mauulit.
Una rito, batay sa ulat, 3 umano sa 7 nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong ay natukoy na sakay ng PAL flight mula sa Manila.
Dahil rito, 2 linggong hindi pwedeng maghatid ng pasahero ang PAL sa Hong Kong.
Pero ayon sa PAL, tuloy parin naman ang kanilang cargo flights patungong Hong Kong.
Madz Moratillo