DOJ at OSG idinipensa ang desisyon ni PBBM na huwag na sumali muli sa ICC
Nanindigan ang Department of Justice at Office of the Solicitor General na nasa karapatan ng gobyerno ng Pilipinas na huwag sumali muli sa International Criminal Court.
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, maraming bansa na hindi naman miyembro ng ICC gaya ng US, China, at Russia.
Iginiit pa ni Remulla na gumagana ang judicial system ng bansa.
Hindi rin aniya mapagkakaitan ng katarungan ang mga biktima kung hindi miyembro ng ICC ang Pilipinas.
Sinabi rin ni Solicitor General Menardo Guevarra na prerogative ng pangulo bilang punong arkitekto ng foreign policy ng bansa na determinahin kung anong organisasyon magiging miyembro ang Pilipinas.
Aniya ang pangunahing konsiderasyon ng presidente ay ang interes at soberenya ng bansa.
Samantala, inihayag ni Remulla na bukas naman ang DOJ at ang ehekutibo sa pakikipag-usap sa mga senador na nagsusulong na sumapi ang Pilipinas sa ICC.
Pero sa huli ang pangulo aniya ang magpapasya.
Naniniwala rin ang kalihim na wala nang hurisdiksyon ang ICC kaugnay sa imbestigasyon sa war on drugs ngayong nag-withdraw na ang Pilipinas sa Rome Statute ng ICC.
Moira Encina