DOJ binigyang bigat ang salaysay ng mga pulis sa pag-aresto sa magkapatid na Parojinog sa Ozamiz raid
Binigyang bigat ng DOJ panel of prosecutors ang salaysay ng mga pulis kaugnay sa pag-aresto sa magkapatid na Parojinog sa Ozamiz raid dahil sa possession ng iligal na droga.
Batay sa resolusyon ng DOJ, tinukoy ng panel ang salaysay ng mga pulis na nakita nila ang mga iligal na droga ” in plain view” habang sila ay naghahalughog ng mga iligal na armas.
Paliwanag pa ng mga piskal, kahit ang layon lang ng search warrant ay ang pagkumpiska sa mga baril at bala mula sa kustodiya ng mga Parojinog, hindi ipinagbabawal na samsamin din ang mga iba pang ipinagbabawal na bagay na natagpuan sa kanilang mga bahay kabilang na ang iligal na droga.
Ulat ni: Moira Encina