DOJ bumuo na ng 6-man panel na magrerebyu sa kinukwestyong TADECO at BUCOR deal

Inilabas na ng DOJ ang  pangalan ng six-man panel na mag-iimbestiga sa pinasok na kasunduan ng Bureau of Corrections at Tagum Agricultural Development Company Inc. o TADECO na pagmamay-ari ng pamilya ni Davao Del Norte Representative Antonio Floirendo Jr.

Sa Department Order ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, itinalaga nito si Chief State Counsel Ricardo Paras III para pamunuan ang fact-finding committee.

Hinirang din na miyembro ng panel sina Director Maria Charina Buena Dy-Po , State Counsel Precious Pojas ,State Counsel Melvin Suarez , State Counsel Noel Adriatico aT Atty. Catherine Angela Maralit.

Ipinag-utos ni Aguirre ang pagrebyu sa land deal ng BUCOR at TADECO kasunod ng kahilingan ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Una nang inihayag ni Alvarez na dapat ipawalang bisa ang kasunduan dahil sa wala itong legal na batayan at lugi rin ang pamahalaan dito.

Pumasok sa joint venture agreement noong 1969 Ang BUCOR at TADECO para sa pagpapaupa ng mahigit limang libong ektarya na bahagi ng lupa ng Davao Penal Colony.

Ang kontrata ay ni-renew noong May  2003 at ang Bucor ay makakatanggap ng mahigit 26 million pesos na annual production share mula sa tanim na mga saging ng TADECO at ang kita ay tataas ng sampung porsyento kada limang taon.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *