DOJ chief, duda na may banta sa buhay ng inmate-witnesses sa De Lima drug case
Hindi naniniwala si Justice Secretary Crispin Remulla na may banta sa seguridad ng pitong inmate-witnesses sa De Lima drug case.
Nais ng nasabing Persons Deprived of Liberty (PDLs) na iurong ang naunang testimonya laban sa senadora at nagpapalipat pabalik ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City mula sa Sablayan Prison and Penal Farm dahil sa sinasabing banta sa buhay nila.
” I think DG Catapang would know that is always the recourse of people who would want have an easier way inside the prison ” pahayag ng Kalihim.
Sinabi ni Remulla na ipauubaya niya kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang nasabing isyu.
Iginiit din ni Remulla na hindi pinapaboran ng mga hukuman ang pagbaliktad o recantation ng isang testigo dahil maaari na ito ay nagsisinungaling.
” kasi baka ang akala ng tao pag binawi ang salita yun na yun, ano yan e chances are may nagsinungaling diyan pag merong nagrerecant, somebody must lying somewhere early or late in the date hindi mo alam kung nagsasabi ng tototo, kung nagsasabi ng mali pero kadalasan kung ito ay tumestigo ng ilang beses publicly tapos bandang huli binabawi magkakaduda ka rin sa veracity ng mga ganung recantation ” ani Remulla.
Moira Encina