DOJ: Hiling na extradition ng Pilipinas sa Timor Leste para mapabalik ng bansa si dating Cong. Teves, pinagtibay
Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na inaprubahan ng korte sa Timor Leste ang hiling na extradition ng Pilipinas para mapabalik ng bansa si dating Congressman Arnolfo Teves Jr. na pangunahing akusado sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sinabi ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na batay ito sa impormasyon na ipinabatid sa kanila ng Attorney-General ng Timor Leste.
Ayon kay Clavano, nanalo ang gobyerno ng Pilipinas para mapauwi si Teves na nahaharap sa patung-patong na kaso.
Aniya, hinihintay nila ang pagdating ni Teves para masagot na nito ang mga kaso nito sa bansa.
Walang ibinigay na detalye sa ngayon ang DOJ kung kailan mapapauwi si Teves at kung saan ito dadalhin.
Moira Encina- Cruz