DOJ hinihintay ang final report sa pagkamatay ni NBI Counter Terrorism Division Chief Raoul Manguera
Isang malaking kawalan sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) si NBI Counter Terrorism Division Chief Raoul Manguera.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos mamatay dahil sa tama ng baril si Manguera.
Sinabi ng kalihim na ang anti-terrorism division na pinamumunuan ni Manguera sa NBI ay responsable sa pagkaka-aresto ng maraming miyembro ng Abu Sayyaf sa buong bansa kabilang sa Metro Manila.
SOJ Menardo Guevarra:
“I’d rather that the NBI make the public statement after they have exhaustively examined all possible angles. Baka tonight may linaw na yan. But one thing sure, the DOJ and the NBI have suffered another major loss. Chief Manguera was the head of the anti-terrorist division of the NBI that was responsible for the arrest of scores of Abu Sayyaf fighters throughout the country, including in Metro Manila. I was informed, though, that at the time of his death, Chief Manguera was suffering from a serious ailment.”
Tiwala naman si Guevarra na mabibigyang linaw ang kaso ng pagkamatay ni Manguera.
Sa ngayon ay hinihintay ni Guevarra ang pinal na report ng NBI sa insidente.
“Waiting for NBI final report. Preliminarily, I was informed that he died of a gunshot wound on his stomach, but he was all alone in his office.”
Pero batay sa inisyal na impormasyon na natanggap ng kalihim ay namatay dahil sa tama ng baril sa kanyang tiyan si Manguera at mag-isa ito sa kanyang tanggapan.
Mayroon din anyang malubhang karamdaman ang NBI official.
Ipapaubaya naman ni Guevarra sa NBI ang paglalabas ng pahayag sa oras na matapos ang imbestigasyon nito sa lahat ng posibleng anggulo.
Moira Encina