DOJ inapela ang pagbasura ng korte sa drug case laban kay Julian Ongpin
Naghain ng motion for reconsideration sa korte sa La Union ang DOJ laban sa pagbasura sa kasong possession of illegal drugs laban kay Julian Roberto Ongpin.
Sinabi ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na itinakda ng La Union Regional Trial Court sa Disyembre 3 ang pagdinig sa kanilang apela.
Ayon kay Malcontento, handa ang prosekusyon na magprisinta ng mga ebidensya para suportahan ang nais nila na baligtarin ang pagbasura sa drug case.
Sa ruling ni Presiding Judge Romeo Agacita Jr., sinabi na hindi nasunod ng pulisya ang chain of custody sa nakumpiskang droga na isinasaad sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs law.
Ang drug case laban kay Ongpin ay nag-ugat sa nakitang cocaine sa kuwarto nila ng visual artist na si Bree Jonson sa isang hostel sa La Union.
Moira Encina