DOJ inatasan ang NBI na siyasatin ang pagkabuhay muli ng transaksyon ng iligal na droga sa NBP
Ipinag-utos na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa NBI na siyasatin ang pagkabuhay muli ng transaksyon ng iligal na droga sa new bilibid prisons.
Sa Department Order 457 na inisyu ni Aguirre, inatasan nito ang NBI na imbestigahan ang pangyayari at sampahan ng kasong administratibo at kriminal ang mga responsable sa pagbalik ng illegal drug trade sa bilibid.
Tiniyak ng kalihim na magiging masigasig pa rin sila sa pagsawata sa iligal na droga sa loob ng National penitentiary.
Una nang inihayag ni Aguirre na posibleng naging pamilyar sa mga bilibid inmates ang mga nakadeploy doon na mga miyembro ng PNP SAF kaya nagawang suhulan ang mga ito.
Sa pagtaya ng kalihim, nasa lima hanggang porsiyento lamang ang nabuhay muling drug trade sa NBP pero ito ay kanilang susugpuin.
Ulat ni: Moira Encina