DOJ iniutos na pagsamahin ang kaso na inihain ng PDEA at NBI kaugnay sa magnetic lifters

Ipinagutos ng DOJ na pagsamahin na ang mga magkahiwalay na kaso na inihain ng PDEA at NBI kaugnay sa mga naipuslit na mga magnetic lifters na may lamang shabu sa Manila International Container Port at GMA, Cavite.

Sa dalawang pahinang kautusan, pinagbigyan ng DOJ panel of prosecutors ang Motion for Consolidation na inihain ng NBI.

Ayon sa DOJ, ito ay para maiwasan ang doble at magkasalungat na mga resolusyon na kinasasangkutan ng parehong importasyon ng anim na magnetic lifters mula sa Malaysia at Vietnam.

Inihain ng PDEA noong Agosto at Disyembre 2018 ang magkahiwalay na kaso nito kaugnay sa magnetic lifters habang nitong Enero ay nagsampa ng hiwalay na reklamo ang NBI sa kaparehong shipment.

Kabilang sa mga kinasuhan ng NBI ng mga paglabag sa Anti-Graft law si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña pero hindi siya kasama sa mga inireklamo ng PDEA.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *