DOJ ipauubaya sa IBP ang isyu ng paghahain ng disbarment case laban kay VP Sara Duterte
Hindi magsasampa ang Department of Justice (DOJ) ng disbarment complaint laban kay Vice- President Sara Duterte kaugnay sa mga naging pagbabanta sa buhay ng Pangulo.
Sa halip sinabi ni Justice Undersecretary Jessie Hermogenes Andres Jr. ipapaubaya na lang ng DOJ sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pag-iimbestiga sa posibleng paglabag ng bise sa Code of Professional Responsibility and Accountability ng mga abogado at kung kinakailangan ay pagsasampa ng disbarment case sa Korte Suprema.
Ayon kay Andres, ang IBP ang mas nakakaalam sa isyu ng disbarment dahil ito ang may sakop sa lahat ng abogado.
Ang IBP rin aniya ang tumitiyak sa pagsunod ng mga abogado sa tamang paguugali at asal na inaasahan sa mga ito.
Una nang naghain ng disbarment case sa Supreme Court si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon si VP Sara para maalis ito bilang abogado.
Moira Encina – Cruz