DOJ ipauubaya sa PNP at PDEA ang imbestigasyon sa sinasabing presidential aspirant na cocaine user
Walang plano ang DOJ sa ngayon na paimbestigahan sa NBI ang sinasabing paggamit ng iligal na droga ng isang presidential aspirant.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hahayaan nila ang PNP o kaya ang PDEA na mag-imbestiga sa nasabing isyu.
Gayunman, handa naman aniya ang NBI na mag-imbestiga kung kinakailangan.
Sa isang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindoro, pinasaringan nito ang isang presidential aspirant na isang mahinang lider at gumagamit daw ng cocaine.
Bagamat walang pinangalanan, tila ang tinutukoy ng pangulo ay si dating Senador Bongbong Marcos dahil ang aspirante ay tinukoy na anak mayaman at nag-iisang anak na lalaki.
Sumailalim naman sa drug test si Marcos kung saan negatibo ang resulta at isinumite ito sa PNP, NBI, at PDEA.
Moira Encina