DOJ isinumite na sa Office of the Ombudsman ang reklamong katiwalian laban kay ousted Chief Justice Sereno
Isinumite na ng DOJ sa Office of the Ombudsman ang nakabinbing reklamo ng katiwalian laban sa napatalsik na Chief Justice na si Maria Lourdes Sereno.
Ang reklamo ay kaugnay sa kabiguan ni Sereno na maghain ng kanyang SALN sa loob ng 17 taon noong siya ay professor pa sa UP College of Law.
Ito ay inihain noong Enero ni Atty Lorenzo Gadon na nasa likod din ng impeachment case laban kay Sereno sa Kamara.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ipinasa na ng DOJ sa Tanggapan ng Ombudsman ang mga reklamo laban kay Sereno.
Si Sereno ay ipinagharap ng mga reklamong paglabag sa RA 3019 Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 6713 o An Act Establishing A Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Nabinbin ang reklamo sa DOJ habang dinidinig noon ang impeachment case sa Kamara at ang quo warranto sa Korte Suprema.
Ulat ni Moira Encina