DOJ itinuloy ang pagdinig sa mga kaso kaugnay sa Dengvaxia controversy
Ipinagpatuloy ng DOJ ang preliminary investigation sa mga reklamong kriminal laban sa mga nasa likod ng Dengvaxia controversy.
Sa ikalawang pagdinig, binigyan ng panel of prosecutors ang kampo ng mga respondents ng kopya ng ikapito, ikawalo at ikasiyam na reklamong inihain ng mga magulang ng mga batang nasawi matapos mabakunahan ng anti-dengue vaccine.
Ang kaso ay inihain nina Jeffrey Alimagno, Zander Jaime at Annalyn Almoguerra, Lauro Eboña at Analyn Eboña sa pamamagitan ng Public Attorneys Office.
No show muli ang mga respondents na sina dating Health Secretary Janette Garin at kasalukuyang Health Secretary Francisco Duque III at iba pang mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH at Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.
Itinakda ang pagsusumite ng kontra salaysay ng mga respondents para sa lahat ng siyam na reklamo sa June 25.
Sila ay nahaharap sa reklamong paglabag sa Article 365 ng Revised Pena; code o reckless Imprudence resulting to homicide at mga paglabag sa anti-torture law ang isinampa ng PAO laban sa 35 respondents.
May kinakaharap na hiwalay na reklamong obstruction of justice naman si Duque.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: