DOJ kinonsulta ng Malacanang kaugnay sa pagbabawal sa mga POGO
Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ), na kinonsulta sila ng tanggapan ng pangulo kaugnay sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na ipagbawal sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ayon kay DOJ Spokesperson at Asst. Sec. Mico Clavano, humingi ang Office of the President ng data ukol sa POGOs mula sa mga awtoridad at prosekusyon.
Sinabi ni Clavano, na binalanse ito ng pangulo sa ibang inputs mula sa ibang mga sektor upang makabuo ng desisyon na i-ban ang POGOs.
Hindi naman sinagot ni Clavano kung ipatutupad sa pamamagitan ng executive order o direktiba mula sa PAGCOR ang POGO ban.
Pero ipinunto ng opisyal na ang deklarasyon ng pangulo sa SONA ay polisiya na.
Moira Encina-Cruz