DOJ kumpiyansa na hindi mababago ang desisyon ng korte sa Timor-Leste na paboran ang extradition ni dating Cong. Teves

Hindi pa masabi ni Department of Justice Spokesperson Mico Clavano, kung kailan maipalalabas ng korte ng Timor-Leste ang desisyon sa panibagong legal proceedings sa extradition case ni dating Congressman Arnulfo Teves, Jr.

Una nang ibinasura ng Court of Appeals ng Timor-Leste ang apela ng kampo ni Teves laban sa pagpapa-extradite sa kaniya sa Pilipinas, pero kinuwestiyon ng mga abogado nito na isang hukom lang ang tumanggap ng mga ebidensya sa halip na tatlo.

Department of Justice Spokesperson Mico Clavano / Photo: PNA

Ayon kay Clavano, “It’s a very minor, very very minor procedural lapse they are trying to allege, pero pinagbigyan po ng Timor-Leste Court of Appeals because they want to cure this procedural lapse.”

Gayunman, sinabi ni Clavano na kampante ang DOJ na hindi mababaligtad o mababago ang naunang desisyon ng Timor-Leste court, na aprubahan ang extradition request ng Pilipinas kay Teves na nahaharap sa mga kasong murder.

Ayon pa sa opisyal, hindi maituturing na ipinawalang bisa ng Timor-Leste ang naunang ruling nito pabor sa extradition, dahil reremedyuhan lang nito ang sinasabing procedural lapse.

Ani Clavano, “We will still just be patient lalo na po participant po tayo, party lang po tayo sa isang kaso sa isang bansa but we are very confident na parehas pa rin ang magiging desisyon ng Court of Appeals dahil silang tatlo ang nagdecide sa first decision.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *