DOJ kumpiyansa sa tibay ng murder case sa Degamo killing
Kampante ang Department of Justice (DOJ) prosecutors sa kaso na isasampa nila sa korte kaugnay sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pang katao noongMarso.
Ito ay kahit binawi ng ilan sa mga suspek ang mga naunang salaysay ukol sa krimen.
Ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, bukod sa mga salaysay ng mga saksi at may kinalaman sa krimen ay may mga hawak din silang iba pang ebidensya gaya ng forensic evidence.
“Hindi po naka-base sa mga testimonya lamang… meron tayong tinatawag na object o real evidence. You have documentary evidence and you also have forensic evidence which will can still be used and will be enough to sustain a case,” paliwanag ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon.
Tumanggi ang opisyal na idetalye kung anu-ano ang mga nasabing ebidensya dahil ito ay dapat naipaubaya sa hukuman.
Binigyang- diin pa ni Fadullon na mas kapani-paniwala ang documentary at forensic evidence kaysa mga testimonya kaya hindi ibig sabihin na hihina ang kaso dahil sa recantation ng ibangsuspek.
“More than testimonial evidence I would say mas reliable ang forensic real object and documentary evidence kasi hindi mo pwede basta basta baguhin,ang forensic evidence ay batay sa siyensa,“dagdag pa niFadullon.
Ayon pa sa opisyal, hindi rin nakasalalay ang mga object at forensic evidence sa testimonya ng mga bumaligtad na suspect witnesses.
Niliwanag pa ng DOJ na may testimonya ng iba pang mga testigo sa krimen na hindi mga suspek na hawak ang prosekusyon.
“I say it would be enough to see this case through… Seeing this case through means seeing this case filed in court and prosecuting it. In the first place di tayomagsasampangkaso just for sake of satisfying everybody’s curiosity or everybody’s inquiries.We will file the case on the basis of evidence and we will not file it if we did not think that we have sufficiency evidence,”pagbibigay-diin pa ng opisyal.
Moira Encina