DOJ magsasagawa ng caravan sa oil-spill affected areas sa Oriental Mindoro para umalalay sa insurance claim
Magkakaroon ng information caravan ang Mindoro oil spill task force sa pangunguna ng DOJ sa ilang lugar na lubhang naapektuhan ng pagtagas ng langis mula sa lumubog na MT Princess Empress.
Muling nagpulong sa DOJ ang mga miyembro ng task force kabilang ang Philippine Coast Guard at mga lokal na opisyal mula sa mga apektadong lugar.
Sinabi ni Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Cruz na bibisita ang mga opisyal ng DOJ sa oil-spill affected areas kabilang ang Pola upang tulungan sa pag-claim ng insurance sa IOPC o International Oil Pollution Compensation Funds.
Posible aniyang magtungo sa mga naturang lugar ang mga opisyal ang DOJ dalawang linggo mula ngayon.
Tiniyak naman ng DOJ na patuloy ang pagbabantay at pagtugon ng mga kinauukulan ahensya sa epekto ng oil spill.
“Para diretso na dun sila magtanong kung paano iki-claim and magkano iclaim tama ba yung iki-claim nila kamukha kasi sa Pola kasi marami nagkasakit sabi ng insurance di pwedeng i-claim yun pero sabi ng DOJ pwedeng i-claim yun” pahayag ni Pola Mayor Jennifer Cruz
“To determine the full lengths of the damage para po mas accurate po ang magiging calculation for the claim sa IOPC” pahayag ni DOJ Spokesperson Mico Clavano
Moira Encina