DOJ mayroon na lamang hanggang ngayong araw para sagutin ang komento ni Senador Trillanes laban sa mosyon na ipa-aaresto siya sa kasong rebelyon

Magpapaso ngayong Miyerkules ang limang araw na ibinigay ng Makati City RTC Branch 150 sa DOJ para sagutin ang komento ni Senador Antonio Trillanes IV laban sa mosyon ng kagawaran na ipaaresto ito dahil sa kasong rebelyon.

Sa kautusan ni Judge Elmo Alameda noong September 14, may limang araw ang DOJ para maghain ng tugon sa komento ni Trillanes na isinumite sa hukuman.

Hiniling ni Trillanes sa komento nito na huwag pagbigyan ng hukuman ang mosyon ng DOJ na ipaaresto soya dahil pinal na ang desisyon ng korte noong September 2011 na nagbabasura sa kanyang kasong rebelyon kaugnay ng 2007 Manila Peninsula siege .

Wala na rin anyang hurisdiksiyon ang Makati RTC sa kaso dahil naisapinal na ang pasya.

Iginiit ni Trillanes na panggigipit lang sa kanya ng pamahalaang Duterte ang muling pagbuhay sa kaso nyang rebelyon dahil sa kanyang pagbatikos sa giyera kontra droga at iba pang polisya ng administrasyon.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *