DOJ naghahanda na para sa extradition ni Teves
Kumpiyansa ang Department of Justice (DOJ) na hindi mababaligtad ang ruling ng Court of Appeals ng Timor Leste na nag-apruba sa extradition laban kay dating Congressman Arnolfo Teves, Jr.
Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, sa ilalim ng batas ng Timor Leste ay mayroong 30 araw ang kampo ni Teves para maghain ng mosyon o apela laban sa extradition request.
Sinabi ni Vasquez, “Unless there are new matters, arguments, pieces of evidence that would be presented normally the same body would maintain their decision. We are very confident that the same decision would be rendered and motion for thw recon or the appeal woulf be denied in due course.”
Niliwanag pa ng opisyal na hindi na maaaring humirit ng political asylum si Teves sa Timor Leste dahil dati na itong nabasura.
Ayon kay Vasquez, “They filed motion for reconsideration this was denied as well as lawyers that is the end of the rope on that particular aspect.”
Maaari rin aniyang arestuhin ng Timor Leste police si Teves dahil isa itong undocumented alien habang inaapela ng kampo nito ang extradition.
Ani Vasquez, “The philippines had already cancelled his passport [jump to] as to immediate arrest as far as we could we see it he could be arrested as an undocumented alien.”
Kaugnay nito, sinabi ni Vasquez na pinaghahandaan na ng DOJ ang pagpapauwi kay Teves sa oras na mabasura ang apela ng panig nito.
Kabilang aniya sa mga ito ay kung sino ang mga susundo sa Timor Leste at ang pagkukulungan sa dating kongresista.
Dagdag pa ni Vasquez, “Hanggat hindi naibibigay o naiti-turn over sa ating kustodya wala pa tayong karapatan doon, kung may pulis obviously hindi pwede extraterritorial, karapatan ng law enforcement, those were the things we have to seriously consider given the security rrequirements of the situation.”
Moira Encina Cruz