DOJ naglatag ng mas malinaw na panuntunan sa pagkalap ng mga ebidensya at case build-up sa online sexual harassment cases
Inilunsad ng Department of Justice (DOJ) ang mga panuntunan sa pagkalap ng mga ebidensya at case build-up sa mga kaso ng Gender-Based Online Sexual Harassment (GBOSH).
Nakatuwang ng DOJ sa pagbuo ng mga panuntunan ang Philippine National Police (PNP) at ang National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon sa DOJ, mandato nito na bumuo ng malinaw na mga patakaran sa pagtanggap ng mga reklamo, pagtugon sa mga insidente at pagkolekta ng mga ebidensya sa online harassment cases.
Sinabi pa ng DOJ, na gagabay ito sa mga awtoridad para epektibong maimbestigahan at mapanagot ang online sexual predators.
Moira Encina
Please follow and like us: