DOJ naglunsad ng outreach program para mga biktima ng bagyong Ulysses
Nagsagawa ng fund-raising drive ang mga opisyal at empleyado ng DOJ para sa mga sinalanta ng bagyong Ulysses.
Sa department circular na may lagda ni Justice Secretary Menardo Guevarra, hinimok ang lahat ng mga kawani ng DOJ na magbigay ng donasyon para sa mga biktima ng nagdaang kalamidad.
Sinimulan ang proyekto na tinawag na “Walang Maiiwan, Bayanihan!” noong November 25 at magtatagal hanggang sa December 9, 2020.
Ang cash donations ay maaaring ideposito sa itinalagang Landbank account at ang mga in-kind donations ay pwedeng ipadala sa DOJ Day Care Center ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali araw-araw hanggang sa December 9.
Ang outreach program ay bahagi ng pagdiriwang ng DOJ ng holiday season ngayong Disyembre.
Moira Encina