DOJ nagtakda na ng preliminary investigation sa kaso ng pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin

Nagtakda na ang DOJ ng pagdinig sa mga reklamo laban sa mga itinuturong nasa likod ng pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin.

Isasagawa ang preliminary investigation ng DOJ sa Abril 1 sa ganap na alas-dos ng hapon.

Mga reklamong murder at frustrated murder ang inihain laban sa kapatid ni Dominic na si Dennis Sytin na itinuturong utak sa krimen.

Kabilang sa mga kinasuhan ng PNP sa DOJ ang gunman na si Edgardo Luib at ang dating empleyado ng United Auctioneers Incorporated na si Oliver Fuentes alyas Ryan Rementilla.

Tumatayong complainant ang byuda ng negosyante na si Ann Marietta Sytin at ang Olongapo City PNP.

Si Dominic ay binaril sa tapat ng isang hotel sa Subic Bay Freeport Zone noong November 28, 2018 na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng matinding away ang magkapatid kaugnay sa kontrol at shares sa UAI.

Inamin ng gunman na sina Dennis Sytin ang nagutos na ipapatay ang kapatid nito kapalit ng  salapi.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *