DOJ, nagtalaga na ng piskal na hahawak sa kaso ng Mighty Corporation
Nagtalaga na ng mga piskal na hahawak sa tax evasion case na inihain ng BIR laban sa Mighty Corporation.
Sa Department Order 221 ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, inatasan na humawak ng preliminary investigation sa kaso sina Senior Assistant State Prosecutor Sebastian Caponong Jr., Assistant State Prosecutor Ma. Lourdes Uy at Assistant State Prosecutor Mary Ann Parong.
Kabilang sa respondent si Alex Wongchuking; Dating AFP Vice Chief of Staff Edilberto Adan na Executive President; Retired Judge Oscar Barrientos na Vice President for External Affairs at treasurer na si Ernesto Victa.
Aabot sa 9.5 billion pesos ang utang sa buwis ng Mighty Corporation dahil sa paggamit ng kumpanya ng pekeng tax stamp sa mga pakete ng sigarilyo.
Ulat ni: Moira Encina