DOJ nagtalaga ng OIC sa Bureau of Corrections
Nagtalaga na si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ng Officer-In-Charge ng Bureau of Corrections kasunod ng pagbibitiw ni Director General Benjamin delos Santos.
Sa Department Order 477 ni Aguirre, hinirang na BuCor OIC si Rey Raagas, hepe ng Administrative Division ng kawanihan.
Pero sa nasabing kautusan ni Aguirre binanggit na dahilan ng appointment ni Raagas ay bunsod ng leave of absence ni delos Santos.
Naghain ng kanyang irrevocable resignation si delos Santos noong July 13 dahil sa pagbalik muli ng illegal drug trade sa bilibid.
Inatasan pa si delos Santos ni Aguirre na manatili muna sa pwesto habang wala pang naitatalaga si Pangulong Duterte na bagong BuCor Chief ngunit ito ay tumanggi.
Ulat ni: Moira Encina