DOJ, nakaantabay sa resulta ng Maritime inquiry sa insidente sa Recto Bank

Hihintayin muna ng DOJ ang resulta ng full time marine inquiry sa insidente sa Recto Bank.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, mahalagang patapusin muna ang imbestigasyon sa insidente na kinasasangkutan ng mga Pinoy na mangingisda na lulan ng F/B GemVer at ng isang Chinese vessel.

Ito ay bago determinahin kung kinakailangan gumawa ng legal na hakbang ang bansa kaugnay sa insidente.

Una nang inihayag ng Philippine Coast Guard na halos patapos na ang imbestigasyon ng PCG at Marina sa banggaan ng F/B  GemVer at Chinese vessel.

Pero hindi pa masabi ng PCG kung kailan nila mailalabas ang resulta ng imbestigasyon.

Isa sa mga ikinukonsidera ng pamahalaan ay ang joint marine inquiry sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *