DOJ, patuloy na sinisiyasat ang private at chartered flights na maaring sinakyan nina Alice Guo palabas ng bansa

Photo: net25.com

Nakikipag-ugnayan pa rin ang Department of Justice (DOJ) sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para mausisa ang lahat ng mga tala ng pribadong eroplano na posibleng nagamit ni dating Mayor Alice Guo at mga kasamahan nito paalis ng bansa.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, imposible na tumakas sina Guo sakay lamang ng fishing vessel o barko ng ilang araw papuntang Malaysia dahil delikado sa karagatan lalo na’t may mga pirata.

Sinabi rin ni Remulla na tuluy-tuloy ang imbestigasyon sa lahat ng sinumang posibleng sangkot sa pagpapatakas sa grupo ng dismissed mayor kasama na ang mga nasa pamahalaan.

Una nang sinabi ni Remulla na may hinala siya na may mga  sangkot na tauhan ng Bureau of Immigration (BI) kaya iligal na nakaalis ng bansa sina Guo.

“Chinicheck namin lahat ng records ng CAAP, mga record ng paglipad ng mga eroplano, kung merong chartered flights, kung merong mga chartered aviation flights na private planes. Pinag-aaralan pa rin natin “ ani Remulla.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *