DOJ, pinaplantsa na ang mga ipatutupad na health protocols para sa Immigration officers sa mga paliparan
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Justice (DOJ) sa Department of Health (DOH) para matiyak ang kaligtasan ng mga Immigration officers laban sa mga nakakahawang sakit.
Ito ay sa harap ng banta sa pagpasok sa bansa ng panibagong strain ng Coronavirus na nagmula sa Wuhan, China.
Ayon kay Justice Undersecretary at Spokeperson Markk Perete, pinaplantsa na nila ang mga routine health protocols para sa mga Immigration officers.
Isa anya sa pinag-aaralan nila ay ang pagrekomenda ng pamalagiang paggamit ng face mask ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa mga paliparan at ports para maprotektahan sila laban sa mga banta sa kalusugan gaya ng Wuhan Coronavirus.
Una nang inabisuhan ng BI ang kawani nito sa lahat ng port of entry at exits sa bansa na magsuot ng N95 face mask para makaiwas sa exposure sa mga sakit.
Ulat ni Moira Encina