DOJ plano ring ideklarang terorista ang mga umano’y kasabwat ni Cong. Teves sa Degamo murder
Plano ng Department of Justice (DOJ) na ituring ding terorista ang tatlo hanggang limang katao na sinasabing naka-trabaho ni Congressman Arnolfo Teves Jr. kaugnay sa Degamo murder.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na kabilang sa mga ito si Marvin Miranda na una nang nadakip ng NBI at kinasuhan kaugnay sa Degamo killing.
Dagdag ng justice chief na kasama si Miranda sa core group o terrorist cell.
Nakatakdang makipagpulong ang DOJ sa Anti- Terrorism Council (ATC) para talakayin ang pag-designate kay Teves at sa nasabing tatlo hanggang limang indibiduwal na maituturing na parte ng terror organization.
Ang mga nasabing indibiduwal aniya ay may mga mahalagang papel kaugnay sa pamamaslang sa Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Moira Encina