DOJ prosecutors, nakapagtala ng mataas na naresolbang kaso noong 2023; mga nakabinbing reklamo, bumaba
Tumaas pa ang disposition rate o ang bilang mga naresolbang reklamo na inihain at isinailalim sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) noong 2023.
Ayon sa DOJ, nakapagtala ng 89.31% disposition rate noong nakaraang taon ang Office of the Secretary of Justice Prosecution Service (OSJPS).
Case Disposition Rate:
2023- 89.31%
2022- 85.05%
2019- 53.18%
Mas mataas ito kumpara noong 2022 na 85.05% at 2019 na 53.18%.
Bukod dito, sinabi ng DOJ na malaki rin ang ibinaba ng mga nakabinbing reklamo o ang mga hindi pa nareresolbang kaso sa kagawaran.
Sa tala ng DOJ, umabot na lang sa 465 ang pending cases na higit na mababa sa mahigit 1,300 noong 2019.
Pending Cases
2023- 465
2019- 1,330
Napanatili rin ng State Prosecutors ang very satisfactory rating nito noong isang taon.
Sinabi naman ni Justice Secretary Crispin Remulla na may mga hakbangin ito para mas ma-professionalize at mapaigting ang aktibong partisipasyon ng mga piskalya sa case build-up.
Moira Encina