DOJ puwedeng idulog sa Korte Suprema o IBP ang umano’y pagmamaliit ni Teves sa judicial process ng bansa
Pinag-aaralan ng DOJ na ireklamo sa Korte Suprema o kaya ay sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang mga pag-aasal ni Congressman Arnolfo Teves Jr. sa social media posts nito na tila nagmamaliit sa judicial process ng bansa.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na kahit hindi abogado si Teves ay maaaring ireklamo sa Supreme Court o IBP ang mga pag-uugali nito dahil ito ay partido sa kaso.
Ayon sa kalihim, ayaw ng SC na gamitin ang social media para sa mga kaso o batas alinsunod na rin sa bagong Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).
Aniya, hindi tamang lugar ang social media para sagutin ang mga reklamo o kaso kundi sa hukuman o DOJ.
Sa ginagawa aniya ni Teves na hindi pagharap sa mga reklamo sa kanya at sa halip ay sa social media sumasagot ay pinagdududahan at hindi pinapahalagahan nito ang proseso ng hudikatura.
Moira Encina