DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II, kinastigo ng Senado

Kinastigo ng senado si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa mahinang
pagtrato sa nangyaring smuggling ng shabu sa Bureau of Customs.

Sa draft report ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Senador Richard
Gordon na nakakalungkot ang pahayag ni Aguirre sa pagdinig ng senado
na patay na ang kaso dahil sa palpak na paghawak ng NBI at PDEA ng mga
ebidensya.

Sa halip aniya na ipag-utos ang mabilisang pagtugis sa mga nasa
likod ng shabu shipment, tila ipinaubaya ni Aguirre sa mga
undersecretaries at tauhan ng National Bureau of Investigation ang
kaso katunayang wala na itong interes.

Nabatid na naipamahagi na sa mga miyembro ng komite ang kopya ng report.

Bukas itutuloy naman ng senado ang imbestigasyon sa isyu naman ng
pagtanggap ng tara o lagay ng mga opisyal ng BOC.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *