DOJ tinapos na ang provisional coverage ni Janet Napoles sa Witness Protection program

Tinanggal na ng DOJ sa provisional coverage ng Witness Protection Program si Janet Lim Napoles.

Pinadalhan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Napoles ng sulat na nagaabiso sa pagterminate ng DOJ sa WPP coverage nito.

Ayon kay Guevarra, wala na silang nakikitang banta sa buhay ni Napoles sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City kaya wala nang rason para palawigin ang provisional coverage nito.

Moot and academic na rin anya ang pagkakapasok ni Napoles sa WPP dahil sa pagbasura ng Sandiganbayan First, Third at Fifth Division sa mosyon nito na mailipat ito sa kustodiya ng DOJ.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *