DOJ tutol na kumalas ang Pilipinas sa Interpol

0
DOJ-FACADE-480x316

Hindi pabor ang Department of Justice (DOJ) na kumalas ang bansa sa Interpol.

Ayon kay DOJ Spokesperson Mico Clavano, napakahalaga ng pagiging miyembro ng Pilipinas sa Interpol lalo na sa paglaban at paglutas sa transnational crimes gaya ng anti- money laundering at POGO scams

Aniya, “Malaking, malaki ang mawawala sa atin kung umalis tayo sa Interpol dahil ang trend ngayong sa buong mundo ay transnational organized crimes. Ito ay isa sa pinakamalaking mekanismo kung bakit natin nasosolve ang mga transnational organized crimes.”


DOJ Spokesperson Mico Clavano

Iginiit din ng opisyal na walang choice ang pamahalaan kundi tumulong sa pagsilbi ng Interpol ng arrest warrant laban kay FPRRD.

Tiwala naman ang DOJ na patas ang magiging trato ng ICC kay Duterte.

Sinabi pa ni Clavano na maraming legal remedies ang dating presidente sa ICC.

Aniya, “I know that these remedies are found in the Rome Statute which is the basis of the ICC. So mas maganda kung tingnan niya doon at hingin niya sa unang pagkakataon pa lang dahil ang hiling din naman dito sa Pilipinas ay respetuhin ang karapatan ng isang accused. Hindi natin sinasabi na kinukondena ng dating pangulo ang sinasabi natin. We just want him to face the charges that were filed against him in the ICC.”

Moira Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *