DOLE at DOT maglulunsad ng serye ng job fairs kasunod ng kakulangan ng mga manggagawa sa hospitality industry
Kasabay ng lumalakas na turismo ng bansa ay ang kakulangan naman ng mga manggagawa sa sektor na ito partikular na sa mga hotel.
Kaya ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma magtutulungan sila ng Department of Tourism para matulungan ang mga establisimiyento na makakuha ng sapat na manpower at ang mga walang hanapbuhay ay magkatrabaho.
Serye ng job fairs ang pinaplano aniya ng DOLE kung saan ang inisyal na tututukan muna ay sa Metro Manila, Cebu at Davao.
Ang ‘Trabaho Turismo Asenso’ project ay inaasahang mailulunsad sa September 22 hanggang 24.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang DOLE sa Philippine Hotel Owners Association para matukoy ang mga ispesipikong uri ng trabaho na kanilang hinahanap at kung ilan ang kailangan.
Madelyn Villar- Moratillo