DOLE may pondo para sa mga manggagawang naapektuhan ng dept. order 174 na nagbabawal sa contractualization
Tiniyak ng Department of Labor and Employment na may nakalaang budget ngayong taon para sa pansamantalang tulong sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa department order 174 na nagbabawal sa lahat ng uri ng ilegal na kontraktwalisasyon.
Ayon kay Labor Undersecretary Dominador Say, tatagal ng tatlong buwan ang tulong ng DOLE para sa mga apektadong manggagawa.
Pangunahin sa tulong na ito ay ang pagsasanay sa mga manggagawa ng bagong kaalaman at skills kung saan may demand at pag-upgrade ng kanilang kakayanan para mapahusay ang kanilang employability sa iba pang mga industriya.
May ibibigay ding allowance ang DOLE sa mga sasailalim sa pagsasanay sa panahon ng training sa loob ng tatlong buwan.
Sinabi ng opisyal na nauunawaan nila na may pangangailangan ang pamilya ng mga apektado ng implementasyon ng D.O 174 kaya handa ang gobyerno na gumastos para sa kanilang allowance at training.
Ulat ni: Moira Encina