DOLE nagpa-alala sa tamang pasuweldo sa June 12
Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer hinggil sa tamang pasahod sa Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.
Sa Labor Advisory ng DOLE, nakasaad na ang Independence Day ay deklaradong regular holiday.
Sa holiday pay rules ng DOLE, nakasaad na kung hindi pumasok sa trabaho ang isang empleyado, sya ay dapat tumanggap ng 100% ng kanyang sweldo.
Kung pumasok naman, dapat syang tumanggap ng 200% ng kanyang sweldo sa unang 8-oras ng paggawa at dagdag na 30% sa sobrang oras ng paggawa.
Kung natapat naman sa day off pero pumasok, tatanggap pa sila ng dagdag na 30% sa unang 8 oras.
Pero kung sumobra sa oras ang trabaho, may dagdag pa itong 30% pa.
Madz Moratillo