DOLE, nagpaalala sa Holiday pay rules ngayong Araw ng Kagitingan
Nagpa-alala ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga pribadong employers na sumunod sa holiday pay rules ngayong araw.
Ito ay alinsunod sa Araw ng Kagitingan na ginugunita ngayong araw at isang regular holiday.
Sa ilalim ng Labor advisory no. 05-2018, dapat mabayaran ng mga employer ang kanilang mga manggagawa ng 200 percent ng kanilang suweldo para sa unang walong oras nilang trabaho.
Habang ang trabaho namang sumobra sa walong oras ay kinakailangang bayaran ng dagdag na 30 percent kada oras ng trabaho.
Ipinaalala rin ng kagawaran na kung ang manggagawa ay hindi nagtrabaho sa araw ng holiday ay makatatanggap pa rin siya ng buong sahod sa naturang araw.
Samantala, kapag ang empleyado naman ay nagtrabaho pa rin kahit na araw ng pahinga at holiday, kailangan siyang mabayaran ng dagdag na 30 percent ng kanyang 200 percent daily rate.
==============