DOLE , nagpaalala sa tamang bayad sa mga empleyado ngayong araw ng holiday
Kasabay ng deklarasyon ng Malakanyang na special non working day ngayon Pebrero 24, nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga employer hinggil sa tamang bayad sa mga empleyado.
Sa Labor Advisory ng DOLE, kapag hindi pumasok ang empleyado ay paiiralin ang no work no pay policy malibang may paborableng polisiya o collective bargaining agreement.
Kung pumasok naman ang empleyado, dapat tumanggap ito ng dagdag na 30% ng kanyang basic wage sa unang 8 oras ng trabaho.
Kung sosobra naman sa 8 oras ang trabaho, dapat syang tumanggap ng dagdag pang 30% ng kanyang hourly rate sa nasabing araw.
Kung day off naman pero pumasok ito,dapat syang tumanggap ng dagdag na 50% ng kanyang basic wage sa araw na ito sa unang 8 oras ng trabaho at dagdag na 30% pa ng kanyang hourly rate kung sumobra sa 8 oras.
Madelyn Villar – Moratillo