DOLE, nagsagawa na ng profiling para sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Photo courtesy of pia.gov.ph

Nagsimula nang magsagawa ng profiling ang Department of Labor and Employment (DOLE), para sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ito ay para matukoy ng DOLE ang mga pwedeng isama sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program.

Sa ilalim nito, ang isang miyembro mula sa apektadong pamilya ay babayaran ng P10,950 para sa 30-araw na pagseserbisyo.

Kasama rito ang community gardening gaya ng pagtatanim ng mga gulay malapit sa evacuation centers, maging ang paglilinis at maintenance ng pansamantalang evacuation centers at housekeeping.

Gayundin ang food preparation o paghahanda ng pagkain sa evacuation sites.

Ayon sa DOLE, nasa P50 million ang itinurn-over nila sa mga lokal na pamahalaan na kabilang sa mga naapektuhan ng patuloy na aktibidad ng Mayon Volcano.

Dagdag pa ng DOLE, kahit makauwi na sa kani-kanilang bahay, ay magbibigay pa rin ang gobyerno ng livelihood assistance sa mga apektadong residente

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *