DOLE, nagsagawa ng Clean Up Drive sa Manila Bay Dolomite Beach
Nagtipon-tipon ang Department of Labor and Employment (DOLE) Family sa Manila Bay Dolomite Beach, para magsagawa ng isang Clean Up Drive bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kanilang 88th Founding Anniversary.
Sa kabila ng ngayong araw ay isang special non-working holiday, ay maaga pang nagtipon sa lugar ang staff ng DOLE para sa gagawing aktibidad.
Bitbit ang mga walis at dust pan ay nilinis ng mga kawani ng DOLE ang beach at pinulot ang mga nagkalat na basura doon.
Dahil ang pasyalan ay sarado at nagpapatuloy pa rin ang rehabilitasyon nito, mga plastic ang karaniwang nakuha sa ginawang pagliinis.
Namamalaging sarado sa publiko ang Dolomite beach dahil sa nagpapatuloy na renovation at rehabilitation ng Manila Bay.
Aabot na sa P28 million ang nagagastos sa renovation ng Dolomite Beach.