DOLE nanawagan muli sa undocumented OFW’s sa Saudi Arabia na mag-aplay na sa amnestiya na magtatapos bukas

Nanawagan sa huling pagkakataon ang Department of Labor and Employment sa mga undocumented OFW sa Saudi Arabia na kaagad nang magparehistro at mag-aplay sa amnestiya na ibinibigay ng Saudi goverment na magtatapos na sa Huwebes, June 29.

Ayon kay Labor Undersecretary Dominador Say, kailangan maiproseso na ng mga stranded at undocumented na mga dayuhang manggagawa ang kanilang mga travel document bago simulan ng Saudi authorities ang paghuli sa mga ito sa katapusan ng Hunyo.

May impormasyon aniya ang DOLE na mayroon pa ring mga pinoy na iligal na nananatili sa Saudi na hindi nagpaparehistro at binabalewala ang abiso ng embahada ng Pilipinas na mag-avail ng amnestiya.

Sinabi ng opisyal na hindi nila maipoproseso ang dokumento ng mga nasabing Pinoy na tumatangging mag-avail ng amnesty.

Babala pa ni Say maari pa ring arestuhin ng mga otoridad sa Saudi kahit ang OFW’s na naisyuhan na ng exit visas pero nandoon pa rin sa oras na matapos ang amnesty period.

Simula nang ipatupad ng Saudi government ang 90-day amnesty period ay mahigit limanglibong  undocumented OFW’s ang napauwi na ng DOLE sa Pilipinas.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *