DOLE, nilinaw na tuloy pa rin ang deployment ban ng OFW sa Saudi Arabia
Nilinaw ng Department of Labor and Employment na nananatili parin ang deployment ban ng mga overseas Filipino worker sa Saudi Arabia.
Ang pahayag ay ginawa ni Rolly Francia, direktor ng Information and Publication Service ng DOLE kasunod ng kumalat na pekeng advisory na galing umano sa Philippine Overseas Employment Administration at sinasabing lifted na ang deployment ban sa Saudi Arabia.
Ang pekeng advisory ay may pirma pa ni POEA Administrator Bernard Olalia para magmukang lehitimo.
Pero ayon kay Olalia, wala siyang pinipirmahan na advisory.
Ayon kay Francia, nakikipag-ugnayan na ang DOLE sa law enforcement agencies para matukoy ang source ng bogus advisory.
Matatandaang una nang naglabas ng deployment ban ang DOLE noong nakaraang taon matapos magreklamo ang libo libong OFW sa Saudi na hindi umano pinapasweldo ng kanilang employers.
Madz Moratillo