Domestic workers sa CAR, tataas na ang sahod
Tataas na ang suweldo ng mga domestic worker sa Cordillera Administrative Region o CAR.
Inaprubahan ng Cordillera Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang wage order setting ng mga domestic worker sa lungsod at mga first class municipalities.
Madaragdagan ng P3,000 pesos bawat buwan ang mga manggagawa sa CAR at P2,500 kada buwan sa ibang munisipalidad.
Ayon kay Augusto Aquillo, Secretary ng RTWPB-CAR magkakabisa ang wage hike pagkatapos ng 15 araw na publication.
Sakop nito ang lahat ng domestic helper maliban lang sa family driver, children under foster family at walang permanenteng trabaho.
Pagbabayarin naman ng P10,000 hangang P40,000 na multa at sasampahan ng criminal at civil charges ang employers na hindi susunod sa nasabing wage hike.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo